Thursday, September 15, 2005

Ang aking mga pantasya...

Noong nakaraang Martes ng gabi, pagka-galing sa opisina, namasyal kami ng boypren ko kasama ang dalawa pa niyang kapatid na nag- ngangalang Joan at Jiboy.

Bago kami naghapunan sa Rai-rai Ken (restawran pang-Hapon), ay nag-ikot ikot muna kami sa kalakhan ng SM. Napagkasunduan naming pumasok sa Toy Kingdom. At nang aking namataan ang mga maskarang naka-hilera, ay sinubukan kong isuot! Ala Mardi Gras festival ang dating....isa sa mga pantasya ko ang makadalo sa isang pagtitipon na kung saan ang lahat ng mga tao ay naka-balatkayo gamit ang mga maskara. Dito naman po sa ating bayan ay mayroon tayong pagtitipon na ganoon rin ang tema, ang Maskara Festival ng Bacolod...Ang saya siguro nun...


Ay sino yan? Hehe ako po yan! Pantasya ko rin po ang maging isang sniper or kahit DPA man lamang. Aliw na aliw po ako kapag nakakapanood ako ng mga pelikulang ma-aksyon...feel na feel ko ang kanilang ginagawa. Paborito ko ang mga pelikulang nagpapakita ng mga Special Action Team dynamics. At isa pa pala, Gusto ko ring maging ispiya...



Ang mga hawak ko pong armas ay napaka-bigat.Hanggang ngayon po ay ramdam ko ang sakit ng aking mga braso. Hindi pala biro ang maging isang miyembro ng Sandatahang Lakas, rebelde, at kung anu-ano pa. Ito'y nangangailangan ng matinding lakas at tibay ng katawan. Hindi ko lang lubos maisip kung ano ang aking kahihinatnan kung ako'y mag-eensayo para maging kabilang sa kanila. Sa aking palagay, kakayanin naman ngunit baka isang araw lang!haha


Ang akin lang naman po ay pantasya lamang...pawang pantasya lamang! Paalam at ako'y matutulog na. :-)


1 comment:

  1. hi eric, actually i've been there before but we arrived a week later ...sayang nga eh, d namin naabutan. we were in La Salle for the UniGames '99.

    ReplyDelete